Unang reaksyon sa akin ng ikinuwento ko sa mga kaibigan ko ang tungkol kay Marrianet Amper ay ang pagsasa-walang balewala. Hindi raw maiisip ng isang bata ang magpakamatay. Sobrang saya ng pagiging bata at ang pagiisip ng mga problema na parang matanda ay ni minsan hindi nila magagawa. Iyon din ang aking unang naisip nang una kong binasa ang caption sa ilalim ng litrato sa Inquirer. Hindi ko nga binasa ang istorya nang una kong buksan sa internet ang pahayagan. Pero may nagudyok sa aking bumili ng newspaper kanina paglabas ko ng pintuan ng hospital.
Nakakasindak. Nakakalungkot. Nakapanghihinayang. Sa aking alaala ng pagiging labing-isang taon, nakikita ko ang araw araw na pagpasok sa eskwelahan sa susunod na bayan sa isang private school. Sampung pisong allowance sa isang araw. Apat pisong pamasahe papunta at pagbalik sa school. Uuwi ng bahay para kumain ng tanghalian. Ang bag at sapatos bago sa simula ng pasukan. Ang mga libro hindi naman kailangang bilihin dahil sa eskwelahan nirerentahan lang ang mga ito. Mga librong gawa pa sa America. Makakapal ang papel, magaganda ang kulay. Pero yung mga binebenta maninipis na mimeographing paper ang gamit na pagnabasa ng ulan ay hindi mo na maaninag ang nakasulat. Hindi rin ako binilhan ng bisekleta tulad ni Mariannet. Ngayon alam ko dahil wala kaming pera. Subalit noon sabi ng tatay ko dahil delikado ang mag bike sa daan baka mabundol ng kotse o truck.
Araw araw halos nakakapasok naman ako. Walang masyadong kaibigan. Kakaiba raw ako. Nagpipilit mag-aral ng mabuti. Noong labing-isang taong gulang din ako naisip ko ring magpakamatay. Dahil sa paulit-ulit lang ang ginagawa ko araw araw. Matagal at walang pagbabago. Tulad ni Mariannete hindi ko rin namamalayan ang pagdating ng Pasko at ang Bagong Taon ay isang oras ng paglingon sa mausok na bintana para manood ng mga paputok.
Isang araw naisipan kong itali ang leeg ko sa isang poste subalit ng malapit nang sumikip nawalan ako ng lakas ng loob. Minsan nalagay ko na ang daliri ko sa electric socket at napigilan ako ng tatay ko. Minsan sinunog ko ang kalendaryo malapit sa electric fuse ng bahay. Tumalon sa taas ng bubong. Ilublub ang ulo sa drum ng tubig. Piliting hindi huminga na napatunayan kong hindi effective. At uminom ng maraming gin na nakakalasing lang pala at hindi nakakamatay.
Mahina ang loob. May sakit. Kakaiba. Marahil naghahanap lang ng makakaintindi. Marahil naghahanap lang ng makakaunawa. Marahil naghihintay lang ng pagbabago. Hanggang ngayon yan pa ring mga bagay na yan ang aking hinahanap. Masama mang sabihin paminsan-minsan gusto ko pa ring magpakamatay. Hindi na ako takot sa kamatayan basta't mabilis at mapayapa. Siguro balang-araw makakaya ko rin ang ginawa ni Mariannette. Ngayon, makikihalubilo muna ako sa mundo ng mga buhay baka sakaling mayroong pag-asang kahit papaano mayroong pagbabago.
Alam kong masaya na si Mariannete sa kanyang bagong kapirasong langit.
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
May sasabihin ako sayo.
Caught my eye
Blog Archive
-
▼
2007
(64)
-
▼
November
(11)
- The Trillanes Fiasco
- My Father's Garden
- It's beginning to look a lot like Christmas
- Insiang at the CCP: a case of great expectations
- Saudi Ahmad: The Next National Artist for Visual Arts
- As If We Never Said Goodbye
- Mariannete Amper: Isang Kapirasong Langit
- Saddened about the CBCP
- Bastardation of NEOAngono mural by NPC
- The Road to Taluksangay
- Memories of Discontent
-
▼
November
(11)
No comments:
Post a Comment