Wednesday, June 10, 2009

Sex Scandal and ConAss


Both involved asses.

Madaling araw nang ipinasa ng kongreso ang resolusyon 1109. At sa pagkakahimbing ng tulog ni Juan de la Cruz, nalusutan na naman sya ng mga sakim at mapanlinglang.

Sa Pilipinas wala naman talagang pagbabago. Hindi na talaga tayo uunlad. At matagal ko nang natanggap na tayong mga Pilipino likas na tamad at nagpapaloko. Mabuti na lamang at may mga taong hindi napapagod na makipaglaban para sa katotohanan at ang pag-asang sana ay kahit papano ay magising muli ang sambayanang Pilipino. Mga bagong Juan Baustita.

Ganito rin siguro noong panahon bago mag martial law. Ang mga tao walang pakialam na unti-unting nasupil ang kanilang mga kalayaan at nagising na lamng silang wala nang natira sa kanila na pati kaluluwa ng bawat isang Pilipino ay nakasanla sa mga dayuhan para sa kapakanan ng iilan.

Masaya rin naman ako na kung sakaling magiging mapanupil ang rehimeng ng makabagong diktaturya, magliliab na naman ang kagitingan ng mga artista, direktor, ang hanay ng mga manunulat, magkakaron ng mga bagong tula, awit at nobela at makasaysayang pelikula ng bagong henerasyon ng rebolusyon sa landas ng paghahanap natin ng ating pagiging Pilipino.

Maligayang araw ng kalayaan sa kuko ng nagbabadyang diktaturya.

No comments:

The International Breastfeeding Symbol

May sasabihin ako sayo.

May sasabihin ako sayo.
Powered By Blogger