Monday, May 7, 2007

Mamamangka Ako







Kung pwede lang.
Kung pwede lang.
Mamamangka ako papalayo sa lahat ng ito.

Sa lahat ng gumugulo sa isip ko
Na paulit-ulit akong tinuturilo.

O sana,
Mayroong paraan na magsimula ulit
Nang walang kasiping
Na mga alaala
At mga panghihinayang.


Sana sa bagong islang aking matatanaw,
Mataas parati ang araw
Nang hindi ko maaaninag ang anino ng aking nakaraan.

No comments:

The International Breastfeeding Symbol

May sasabihin ako sayo.

May sasabihin ako sayo.
Powered By Blogger