Thursday, May 10, 2007

Sisid



Nasubukan mo na bang lumubog sa tubig
at hindi na lumitaw?

Hanggang mangmanhid and mata sa alat
at malapnos ang balat sa kamay.

Hanggang dahan-dahang sumisikip ang dibdib.
Hanggang pitik ng puso ay bumagal na.
Hanggang pumilit na umahon nang wala ng lakas.

Lumutang papaitaas sa kakaibang kaliwanagan.
Mga bula sa tubig lang ang saksi at nakiramay.

No comments:

The International Breastfeeding Symbol

May sasabihin ako sayo.

May sasabihin ako sayo.
Powered By Blogger